Breaking the Cycle of ‘Someday’ Before It Costs You Your Future
AWARENESS EDIT
THE
MIND
TRAP
We know preparation matters. We tell ourselves we will get to it soon. Yet somehow, the important decisions keep moving to another day. Let's talk about why.
MIND TRAP
Why I Created This
For 17 years, I have had the opportunity to serve and assist many clients. Throughout those years, I have witnessed the difference between families who planned ahead and those who did not.
I have seen the financial burden, the emotional strain, and the difficult situations families can face when they are unprepared for life's unexpected moments. These are not just ideas on a page. They are experiences that have stayed with me throughout my years of service.
That is one reason I wanted to create this magazine: to share useful perspectives, encourage thoughtful conversations, and help readers see the value of making informed decisions before they are urgently needed.
I hope you learn something from these pages. Take your time, reflect on what feels familiar, and enjoy the read. My intention is not to lecture you or tell you how to live. I simply want to share what experience has taught me—and perhaps give you something worth thinking about.
Thank you for being here. I hope this edition speaks to you.
Basahin ang mensaheng ito sa Tagalog
Sa loob ng 17 taon, nagkaroon ako ng pagkakataong makapaglingkod at makatulong sa maraming kliyente. Sa mga taong iyon, nakita ko ang pagkakaiba ng mga pamilyang nakapaghanda at ng mga hindi nakapagplano nang maaga.
Nakita ko ang bigat sa gastusin, emosyonal na pagsubok, at mahihirap na sitwasyong maaaring harapin ng pamilya kapag hindi sila handa sa mga hindi inaasahang pangyayari. Hindi lang ito mga ideyang nababasa. Mga karanasan ito na tumatak sa akin sa loob ng maraming taon ng paglilingkod.
Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit ginawa ko ang magazine na ito: para magbahagi ng mga kapaki-pakinabang na pananaw, magbukas ng makabuluhang usapan, at ipakita ang halaga ng maingat na pagdedesisyon bago pa ito maging agarang pangangailangan.
Sana ay may matutunan ka sa mga pahinang ito. Maglaan ng oras, pag-isipan ang mga bahaging may kaugnayan sa iyo, at enjoyin ang pagbabasa. Hindi ko layuning sermunan ka o diktahan kung paano mamuhay. Gusto ko lang ibahagi ang mga natutunan ko sa aking karanasan—at baka may mapulot kang ideyang makatutulong sa iyo.
Salamat sa pagbabasa. Sana ay may maiwan itong mahalagang mensahe sa iyo.
In This Issue
Select a story to begin reading
01The psychology of postponingWhy We Keep Saying “Someday”
Have you ever told yourself, “I'll start saving next month,” or “I'll look into that when things are less busy”? It is a familiar thought. Most of us have said something like it at one point or another.
The difficulty is that “someday” has no date attached to it. When we leave an important decision open-ended, it becomes very easy to keep moving it forward. One week becomes a month. A month becomes a year.
Good intentions need a next step
People do not always postpone things because they are careless. Sometimes the task feels complicated. Sometimes there are more urgent responsibilities. And sometimes, we simply do not know where to begin.
Instead of waiting for the perfect moment, choose one small action. Review one expense. Set one realistic savings goal. Ask one question about a financial decision you have been putting off.
Basahin sa Tagalog
Naranasan mo na bang sabihin sa sarili mo, “Sa susunod na buwan na ako mag-iipon,” o “Kapag hindi na ako busy, saka ko na aalamin iyan”? Pamilyar ang ganitong pag-iisip. Marami sa atin ang nakapagsabi na nito.
Ang problema, walang tiyak na petsa ang salitang “balang araw.” Kapag walang takdang panahon ang isang mahalagang desisyon, madali natin itong ipagpaliban nang paulit-ulit. Ang isang linggo ay nagiging isang buwan. Ang isang buwan ay nagiging isang taon.
Hindi lahat ng nagpapaliban ay pabaya. Minsan, komplikado ang gawain, maraming mas agarang responsibilidad, o hindi lang natin alam kung saan magsisimula.
Sa halip na hintayin ang perpektong pagkakataon, pumili ng isang maliit na hakbang. Suriin ang isang gastusin. Magtakda ng makatotohanang ipon. Magtanong tungkol sa isang desisyong matagal mo nang ipinagpapaliban.
Hindi kailangang malaking hakbang agad ang simula ng isang plano. Maaari itong magsimula sa isang desisyong hindi mo na muling ipagpapaliban.
02Present biasWhy Today Feels More Important Than Tomorrow
Think about the difference between buying something you can enjoy today and setting money aside for a need that may come years from now. The first gives you an immediate reward. The second asks you to make a choice now for a benefit you may not feel until later.
Behavioral economists use the term present bias to describe our tendency to give more weight to immediate rewards than to future benefits. It helps explain why saving can be difficult even when we know it is important.
Making tomorrow feel more real
One way to work with this tendency is to make your future goal specific. Give it a purpose, a target, and a time frame. A goal that is clear is easier to act on than a vague promise to “be better with money.”
You do not have to give up every small pleasure. The point is to create a balance between enjoying today and taking care of tomorrow.
Basahin sa Tagalog
Isipin ang pagkakaiba ng pagbili ng bagay na mae-enjoy mo ngayon at pagtatabi ng pera para sa pangangailangan na maaaring dumating pa makalipas ang ilang taon. Agad ang saya sa una. Sa pangalawa, kailangan mong magdesisyon ngayon para sa benepisyong mararamdaman mo pa sa hinaharap.
Sa behavioral economics, tinatawag itong present bias—ang tendensiyang mas bigyan ng halaga ang agarang gantimpala kaysa sa benepisyo sa hinaharap. Nakakatulong itong ipaliwanag kung bakit minsan mahirap mag-ipon kahit alam nating mahalaga ito.
Para mas mapadali, gawing tiyak ang goal mo. Bigyan ito ng layunin, target, at takdang panahon. Mas madaling kumilos kapag malinaw ang gusto mong marating kaysa sa pangakong “aayusin ko ang pera ko.”
Hindi kailangang alisin ang lahat ng maliliit na kasiyahan. Ang mahalaga ay magkaroon ng balanse sa pag-enjoy ngayon at paghahanda para bukas.
03Optimism bias“It Probably Won’t Happen to Me”
Most of us hope that life will continue to go well. We expect to keep earning, stay healthy, and manage whatever comes our way. There is nothing wrong with being hopeful. But hope can sometimes make us underestimate the possibility of an unexpected event.
This is related to optimism bias—the tendency to believe that negative events are less likely to happen to us than they are to other people.
Preparation is not pessimism
Preparing for uncertainty does not mean expecting something bad to happen. It means acknowledging that life can change, even when we are doing our best.
A thoughtful plan considers both what we hope will happen and what we may need to do if circumstances change. That could mean building emergency savings, reviewing family responsibilities, or understanding available protection options.
Basahin sa Tagalog
Karamihan sa atin ay umaasang magiging maayos ang buhay. Inaasahan nating tuloy-tuloy ang kita, mananatiling malusog, at kakayanin ang anumang dumating. Walang masama sa pagiging positibo. Pero minsan, dahil dito ay minamaliit natin ang posibilidad ng mga hindi inaasahang pangyayari.
May kaugnayan ito sa optimism bias—ang tendensiyang isipin na mas maliit ang posibilidad na mangyari sa atin ang hindi magandang pangyayari kumpara sa ibang tao.
Ang paghahanda ay hindi nangangahulugang negatibo ka. Ibig sabihin lang nito ay kinikilala mong maaaring magbago ang buhay kahit ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo.
Ang maingat na plano ay hindi lang nakabatay sa inaasahan nating mangyari. Isinasaalang-alang din nito ang maaari nating gawin kung magbago ang sitwasyon. Maaaring magsimula ito sa emergency savings, pagrepaso sa responsibilidad ng pamilya, o pag-unawa sa mga available na protection options.
04Status quo biasThe Comfort of Doing Nothing
Sometimes, doing nothing feels easier than making a decision. You do not have to compare choices, ask questions, adjust your budget, or admit that a familiar routine may no longer be working.
Psychologists call one related pattern status quo bias—a preference for keeping things as they are, even when a change might be beneficial.
Familiar does not always mean helpful
There is comfort in routine. But if a routine keeps you from saving, reviewing debt, or preparing for responsibilities ahead, it may be worth taking a closer look.
You do not need to change everything at once. Start by noticing one habit that is not helping you. Then choose one realistic adjustment you can maintain.
Basahin sa Tagalog
Minsan, mas madaling walang gawin kaysa magdesisyon. Hindi mo kailangang magkumpara ng pagpipilian, magtanong, mag-adjust ng budget, o aminin na baka hindi na nakatutulong ang nakasanayan mong gawain.
May kaugnayan dito ang status quo bias—ang pagkiling na panatilihin ang kasalukuyang kalagayan kahit may pagbabagong maaaring makabuti.
May ginhawa sa nakasanayan. Pero kung ito ang pumipigil sa iyo na mag-ipon, suriin ang utang, o maghanda sa mga responsibilidad, makabubuting pag-isipan ito.
Hindi kailangang baguhin ang lahat agad. Pansinin ang isang nakasanayang gawain na hindi nakatutulong, at pumili ng isang makatotohanang pagbabago na kaya mong panindigan.
05Loss aversionWhy We Avoid Financial Conversations
Money conversations can be uncomfortable. We may worry about discovering that our savings are not where we thought they were, that a debt has grown, or that our current budget needs to change.
Loss aversion describes the way a loss can feel more painful than an equivalent gain feels satisfying. This can make us avoid information or decisions that might create discomfort in the short term.
Clarity gives you somewhere to begin
Avoiding a financial conversation does not make the concern disappear. It only leaves you with fewer facts to work with.
Choose a calm time to review your finances. If you are speaking with a partner or family member, focus on understanding the situation rather than assigning blame. You do not have to solve everything in one conversation. Agree on one next step.
Basahin sa Tagalog
Minsan, hindi komportable ang pag-uusap tungkol sa pera. Baka natatakot tayong malaman na kulang pala ang ipon, lumaki ang utang, o kailangan nang baguhin ang kasalukuyang budget.
Ang loss aversion ay tumutukoy sa tendensiyang mas masakit sa pakiramdam ang pagkawala kaysa sa saya na dulot ng katumbas na pakinabang. Dahil dito, minsan iniiwasan natin ang impormasyong maaaring magdulot ng kaba o lungkot sa ngayon.
Hindi nawawala ang problema kapag iniiwasan natin ang pag-uusap tungkol dito. Mas kaunti lang ang impormasyong magagamit natin para makahanap ng solusyon.
Pumili ng mahinahong oras para pag-usapan ang inyong pananalapi. Kung kausap ang partner o pamilya, unahin ang pag-unawa sa sitwasyon sa halip na sisihan. Hindi kailangang malutas ang lahat sa isang usapan. Magkasundo muna sa isang susunod na hakbang.
06A practical resetHow to Stop Delaying and Start Preparing
Understanding why we delay is useful. But awareness becomes valuable when we do something with it. You do not need a perfect financial plan before you begin. You need a realistic first step.
Five ways to get moving
- Be specific. Replace “I should save more” with an amount and a schedule that fit your situation.
- Start with one action. Choose something you can complete this week.
- Write it down. A visible goal is easier to remember and review.
- Check your progress. Revisit your plan regularly and adjust when your circumstances change.
- Ask before you commit. Understand the costs, benefits, limitations, and conditions of any financial product or service.
Financial preparation is personal. What works for one household may not work for another. Your decisions should reflect your income, responsibilities, priorities, and capacity.
Basahin sa Tagalog
Makakatulong ang pag-unawa kung bakit tayo nagpapaliban. Pero mas nagiging mahalaga ang kaalamang ito kapag may ginagawa tayo. Hindi mo kailangang magkaroon agad ng perpektong financial plan. Kailangan mo lang ng makatotohanang unang hakbang.
- Maging tiyak. Sa halip na sabihing “dapat mas mag-ipon ako,” magtakda ng halagang akma sa sitwasyon mo at iskedyul kung kailan ito itatabi.
- Magsimula sa isang gawain. Pumili ng bagay na kaya mong tapusin ngayong linggo.
- Isulat ang goal. Mas madaling maalala at masuri ang layuning nakikita mo.
- Suriin ang progreso. Balikan ang plano at mag-adjust kapag nagbago ang sitwasyon.
- Magtanong bago mag-commit. Unawain ang gastos, benepisyo, limitasyon, at kondisyon ng anumang financial product o service.
Personal ang paghahanda sa pananalapi. Ang angkop sa isang pamilya ay maaaring hindi angkop sa iba. Dapat nakaayon ang mga desisyon sa kita, responsibilidad, prayoridad, at kakayahan ninyo.
07The decision to beginYour Future Deserves More Than Good Intentions
Perhaps you recognized one of your own habits in these pages. Maybe there is a decision you have postponed, a conversation you have avoided, or a goal you keep moving to another month.
There is no need to be hard on yourself about what you did not do yesterday. What matters is what you decide to do next.
One question to take with you
What is one thing I can do today to make tomorrow a little more prepared?
It might be reviewing your expenses, building emergency savings, talking with your family about shared responsibilities, or learning about financial protection and planning options. Take the time to understand each option before making a commitment.
Basahin sa Tagalog
Baka may nakasanayan kang nakita sa mga pahinang ito. Maaaring may desisyong matagal mo nang ipinagpapaliban, usapang iniiwasan, o goal na lagi mong inililipat sa susunod na buwan.
Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo sa mga hindi mo nagawa kahapon. Ang mahalaga ay kung ano ang pipiliin mong gawin ngayon.
Ano ang isang bagay na kaya kong gawin ngayon para mas maging handa ako bukas?
Maaaring magsimula ito sa pagrepaso ng gastos, pagbuo ng emergency savings, pakikipag-usap sa pamilya tungkol sa pinagsasaluhang responsibilidad, o pag-aaral tungkol sa financial protection at planning options. Maglaan ng oras para unawain ang bawat opsyon bago mag-commit.
Ang kinabukasan mo ay nararapat sa higit pa sa magandang intensyon. Nararapat ito sa isang plano—at maaari itong magsimula sa isang makabuluhang hakbang ngayon.
Don't wait for life to remind you why preparation matters.
Start where you are. Understand your choices. Take one responsible step at a time. A thoughtful decision today can make a meaningful difference to the choices available to you tomorrow.
Explore My Website & Services
If you would like to learn more about my services, available plans, and how I assist clients nationwide, you are welcome to visit my website.
Visit My Website & Services
Comments
Post a Comment